Tuesday, January 02, 2007

ELECTION NA NAMAN

Our country is experiencing many problems when it comes to oil price hike, wage increase, electric bill price adjustments, corruption in the government, and now the Gloria tape scandal that triggers the opposition parties to call for a snap election. If this call be granted, the government has to release a great amount of budget for this election-a snap election maybe considered as an additional expenses for the country's budget-the people's budget.

I am for responsible leadership-a president for the people and not for her family's sake only. I think its hard to find someone who is aiming for presidency to serve and protect the people. So for me, when I saw an official in the government who speaks of humanitarian speeches or for the country's sake, he/she is only there for power and wealth. Why? Anywhere in government agencies there is corruption. Palakasan-one of the worst problem in hiring or appointing an official-that's why wrong personalities are given power. Kaya nga ang dami artista sa politika eh.

If you look around, the common people, how are they? They work and work and pay taxes, what do they get? Fare increases? Electric bill increases? Additional VAT? Business sectors especially the large ones, have the government's favor when they need to adjust their prices and pass to the ordinary sectors-the consumers which includes those who pay transportation fares and that compose most of the workers. The workers who pay and just go with the price flow of the large business sectors-UNTIL NOW NO WAGE INCREASE. Pigang piga na ang mga tao sa taas singil pero wala naman nagiging adjustment sa sahod ng empleyado. So much to say but my fingers are beginning to cramp.

Wednesday, November 30, 2005

Manahimik Nalang Para Iwas Gulo?


Ugali na ng Pinoy ang manahimik nalang para iwas gulo sa mga sitwasyon na maaaring makaaway mo ang kapitbahay pagdating sa ingay, kalat at istorbo na ginagawa nito sa atin. Ang gusto natin ay malaya tayong nakakalabas na walang sino mang kaaway o kinaiilangan.

Hanggang kailang naman tayo kaya magtitiis at iiwas sa mga pangyayaring ito kung madalas nila ito gagawin? Masaya ka ba sa sitwasyong mo? Ano ba ang ating karapatan bilang kapitbahay?

May karapatan din ba tayo sabihan ang mga dumadaan na maiingay na motorsiklo at malakas na stereo ng mga tsikot? Takot ka bang may makaaway?

Well, wala naman sigurong masama kung idadaan sa maayos na pananlita o pakikiusap. Huwag kang matakot na bansagang KJ or killjoy dahil may oras sa katahimikan din lalo na kung nagpapahinga ka. You have the right brother!

Singil sa Pamasahe : Pabor Na Naman sa Operators


Bakit lagi nalang pabor sa mga jeepney at bus operators ang pagtaas ng pamasahe--bakit hindi tinataasan ang sahod ng mga commuters? Biruin ninyo P2.50 ang tinaas mula sa P5.00 dahil daw sa pagtaas ng gasolina.

Kung aanalyze ninyo, sabihin natin nagtaas ng P2.00 kada litro ang gasolina from P28 naging P30. Halimbawa P800 ang full tank dati, ang P2 increase ay magiging P857 sa full tank. Abunado ng P57 ang operator.

Nagtaas ng 2.50 sa pamasahe dahil nalulugi na daw ang mga drivers at operators kaya binawi sa mga kawawang commuters. Kung aanalyze natin ulit, ilan ba ang pasahero sa isang araw? Halimbawa naka 30 pasahero sa isang araw, so ang P2.50 na binawi ay magiging P75. Ang total commuters ay abonado naman ng P75.

Sino ang talagang kawawa? Kanino mas pabor? Ang mga sahod ni hindi man lamang taasan.

Buhay Pa Ba Ang Wikang Tagalog?



Sa panahon ngayon lalo na't laganap na ang pagka colonial mentality ng ibang pinoy, mukhang humihina na ang pag papahalaga sa ating sariling wika. Isang pangunahing halimbawa ay ang impluwensiya ng media sa pagsuporta sa mga dayuhang pelikula, musika, at pagsunod sa uso ng mga bansang ito lalo na sa US.

Ang masagwang pinakikita ng mga opisyal ng gobyerno na talamak ng paguusap ng wikang Ingles sa kapwa opisyal o sa media ay nagpapatunay na pagka colonial mentality. Hindi ba Pilipino din ang kanilang pinagsisilbihan? Bakit kailangan natin ibahin ang lenguahe ng paguusap sa kapwa pinoy? Dahil ba gusto natin lagi na maka relate ang mga Kano sa ating ekonomiya?

Hindi sa galing ng pagEnglish nababatid ang katalinuhan ng tao! Tandaan ninyo walang analysis involved dito kundi sanayan lang. Kung baga sa bisaya, kung diretso siya mag tagalog ay hindi nangangahulugan matalino din siya.

Yan ang hirap sa pinoy masyadong dependent sa ibang bansa para sa ikauunlad kaya inaabuso tayo ng ibang bansa lalo na ang mga OFWs. Bakit ang bansang Japan atbp maunlad at hindi minsan naguusap ng ibang wika sa kapwa eh maunlad naman sila?

Panahon na magsarili pagdating sa paglikha ng stilo ng musika, pagkain, pananamit, pagiisip at pagdesisyon, at higit sa lahat sa wika. Alam natin maganda din na marunong tayo mgsalita ng English kung...kung gagamitin lamang ito sa pakikiusap sa dayuhan at hindi sa kapwa Pilipino.

Matalino ang pinoy at kaya nito magsarili. Tangkilikin ang Sariling Atin!

Tuesday, November 29, 2005

Narinig ninyo na ba yung word na YAP?


Kung hindi pa, it's the acronym of Young Affluent Pretenders. Sila yung mga taong pilit na ma "in" sa grupo ng mga "sosi, kalog, o sikat sa pananaw ng iba" kahit hindi naman sila talagang ganun. Gusto nilang gumawa ng impresyon that "they belong" or "is one of them." Sila din yung wannabes, feeling rich, at feeling sopistikada. As long as others are doing it also, they will madly do anything just for the impression. Kaya ang mga ito ang paboritong target ng market ngayon through commercials.
Sa kaso ng mga pasosi, kagaya ng mga cellphone trend ngayon, kailangan meron din silang 3660 or K500i kahit mawalan sila ng budget for other important matters. Meron din yung imbis nauminom nalang ng kape sa simpleng karinderia na worth P6.00 ay dun pa sa mas trendy coffee shops iinom na worth ay almost P100. The purpose is not the taste but the impression of being seen. Some naman will learn magbuga ng smoke in a fashionable way sa public that can cause pollution basta lang maging sopistikada-looking. Sa mga feeling kalog naman, magpapatawa at magsasalita ng madalas sa isang pagsasama ng barkada kahit wala naman katuturan ang pinagsasabi nito para lang masabi na di siya boring. Kulang ba siya sa pansin? Mas maganda pa magsalita nalang siya sa tawag ng pagkakataon. Ang iba naman sasali sa isang fraternity para lang masabi na member siya at mairespeto. Diba to be respected we must first respect ourselves and others? Most youth are nourishing their "katapangan" by engaging in a fight just for the impression na sanay siya sa away. Sometimes being bad becomes a trend among the youth because it makes them "sikat" in a way that they become the talk of the town. Astig yata 'to. Laban ka?
Do you think you're a YAP? Masaya ka ba na may split personality, isang pinakikta at isang tinatago? Life can be happy if it's full of truth, love and acceptance. You don't have to be somebody you're not just to be accepted. Your true friends are those who will accept you as you are, friends who will help and lead you to goodness and healthy living. Do what you feel doing, wear what suits your personal taste and eat what you feel eating. Magpakatotoo ka in a manner that you feel is good. Work hard in life so that every good things in life will come to you in a natural manner. Remember, "what we are is God's gift to us, what we become is our gift to God."